Mga Pagsasaling-wika ng pahinang ito
Pinananatili namin ang kahulugang ito ng free software o libreng software upang malinaw na maipakita kung alin ang wasto para sa isang partikular na software program, para maituring itong free software.
Ang ``Free software'' kung tutuusin ay tungkol sa kalayaan, hindi sa presyo. Upang maunawaan ang konsepto, kailangang isipin mo ang “free” o “kalayaan” na tulad ng ibig sabihini nito sa ``free speech,'' o “kalayaan sa pamamahayag” at hindi parang ``free beer'' o “libreng beer”.
Ang free software kung tutuusin ay ang kalayaan ng isang user o gumagamit na paganahin (run), kopyahin (copy), ipamahagi (distribute), pag-aralan (study), palitan (change) at pag-igihin (improve) ang software. Mas tiyak, tumutukoy ito sa apat na uri ng kalayaan, para sa mga users o gumagamit ng software:
Ang isang program ay maituturing na free software kung ang mga gumagamit o user ay mayroon nang lahata na apat na kalayaang ito. Kung gayun, kailangang malaya kayong nakakapamahagi ng mga kopya, may mga modipikasyon man o wala, may bayad man o humihingi ng bayad para sa distribusyon o pamamahagi, para sa kahit sino, kahit saan. Ang kalayaang gawin ang mga bagay na ito ay nangangahulugan (kabilang na sa iba pang bagay-bagay) na hindi mo kailangang humingi o magbayad para magkaroon ng permiso o pahintulot.
Kailangang may kalayaan ka ring makagawa ng mga modipikasyon at gamitin ang mga iyon ng pribado para sa sarili mong gawain o kasiyahan, nang hindi na kailangang banggitin pang may mga ginawa kang ganoon. Kung ilalathala mo ang mga pagbabagong iyong ginawa, hindi ka kailangang magpaalam kahit kaninuman, sa kahit na anupamang pamamaraan.
Ang kalayaang gumamit ng isang program ay nangangahulugan ng kalayaan para sa kahit na anong klaseg tao o organisasyon, na magamit ito sa kahit anong sistema ng kompyuter, sa kahit anong uri ng pangkalahatang trabaho, at hindi na kailangang pagkatapos na pagkatapos ay makipag-ugnayan pa sa developer o anupamang tukoy na entidad.
Kailangang kabilang sa kalayaang muling makapamahagi ng mga kopya ang binary o mga executable form o mga kailangang punang form ng program, pati na rin ang source code, para sa parehong bersyon, ang binago o modified at ‘di binago o unmodified na mga bersyon. (Ang pamamahagi ng mga program sa isang runnable form o paraang napapagana ay kailangan para magkaroon ng mga madadaling ilagay na installable free operating system.). Okey lang kung walang paraan para makagawa o magkaroon ng isang binary o executable form para sa isang tukoy na program (dahil hindi naman suportado ang katangiang ito ng ilang mga wika), ngunit kailangang may kalayaan kang muling makapamahagi ng mga naturang form, kung makakakita ka o makakapagdebelop ng paraan para gawin ang mga ito.
Upang ang mga kalayaan ay makagawa ng mga pagbabago, at upang mailathala ang mga pinag-iging bersyon, upang maging makabuluhan, kailangang magkaroon ka ng akses sa source code ng program. Kung gayun, mahalagang kundisyon ng free software ang pagkakaroon akses sa source code.
Upang maging makatotohanan ang mga kalayaang ito, kailangang ang mga ito ay hindi mababago basta’t wala kang ginawang masama, kung ang developer ng software ay may kapangyarihang mag-revoke ng lisensya, nang hindi ka naman gumagawa ng kahit na ano para pagmulan ng kadahilanan, ang software ay hindi libre.
Magkaganito pa man, ang ilang uri ng mga tuntunin tungkol sa paraan ng pamamahagi ng free software ay katanggap-tanggap, kung hindi sila salungat sa mga sentral na kalayaan. Halimbawa, ang “copyleft” (napakasimple nang pagkakasabi) ang tuntunin na kung muling namamahagi ng program, hindi ka makakapagdagdag ng mga restriksyon para hindi mabigyan ang ibang tao ng mga sentral na kalayaan. Ang tuntuning ito ay hindi salungat sa mga sentral na kalayaan; kundi ay pinoprotektahan pa ang mga ito.
Maaaring nagbayad ka na ng pera para makakuha ng mga kopya ng free software, o maaaring nakakuha ka ng mga kopya ng walang bayad. Pero kahit na paano ka pa nakakuha ng mga kopya mo, palagi kang may karapatan na kopyahin at baguhin ang software, pati na ang magbenta ng mga kopya.
Ang ``Free software'' ay hindi nangangahulugang ``non-commercial'' o hindi pang-komersyo. Ang isang free program o libreng programa ay dapat na naririyan lamang para sa komersyal na gamnit, komersyal na pag-unlad, at komersyal na pamamahagi. Ang komersyal na pag-unlad ng free software ay hindi na kakaiba; ang ganitong free commercial software o libreng komersyal na software ay napakahalaga.
May makukuhang mga tuntunin tungkol sa kung paano magpa-package ng isang minodipikang bersyon, kung ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap, kung ang mga ito ay walang nagagawang malaking paghadlang sa kalayaan mong mailabas ang mga minodipikang bersyon. Ang tuntunin na “kung gagawin mo ang program sa ganitong paraan, kailangang makuha rin ito sa ganoong paraan” ay maaaring katanggap-tanggap rin, sa parehong kundisyon. (Tandaan na sa naturang tuntunin, naiwan pa rin sa iyo ang kalayaang pumili kung ilalathala ba ang program o hindi.) Katanggap-tanggap rin na sa lisensiya ay hingin na, kung nakapamahagi ka na ng minodipikang bersyon, at humingi sa iyo ng kopya nito ang isang dati nang developer, at kailangang magpadala ka ng isa, o kaya’y magpakilala ka na sa iyo ang mga modipikasyon.
Sa proyektong GNU, ginagamit namin ang ``copyleft'' para maprotektahan ang mga karapatang ito para sa lahat ng naaayon sa batas. Subalit mayroon ding hindi-copylefted na free software Naniniwala kaming may mga mahahalagang dahilan kung bakit mas mabuti pang gumamit ng copyleft , pero kung ang iyong programa ay isang hindi-copylefted na free software, magagamit pa rin namin iyon.
Tingnan ang Mga Kategoriya ng Free Software para sa paglalarawan ng kung paano ang ``free software,'' ``copylefted software'' at iba pang mga kategoriya ay maiuugnay sa isa’t isa.
Kung minsan, ang mga regulasyon o batas ng pamahalaan sa pag-export (pagluluwas sa ibang mga bansa) at mga sangksyon sa pangangalakal, ay nakapipigil sa kalayaan mong mamahagi ng mga kopya ng programa sa buong daigdig. Ang mga developer ng mga software ay walang kapangyarihang mag-alis o magbago ng mga restriksyong ito, pero ang maaari nilang gawin at dapat nilang gawin ay ang tumangging iutos ang mga ito bilang mga kundisyon ng paggamit ng program. Sa ganitong paraan, ang mga restriksyon ay hindi makakaapekto sa mga gawain at sa mga tao na nasa labas ng nasasakupan o hurisksyon ng mga pamahalaang ito.
Karamihan sa mga lisensya ng free software ay batay sa copyright o karapatang-ari, at walang mga limitasyon sa kung anong uri ng mga hinihigi ang maaaring ipataw sa pamamagitan ng copyright. Kung ang isang lisensya na nakabatay sa o nasa ilalim ng isang copyright ay gumagalang sa kalayaan sa mga paraang nailarawan sa itaas, maaaring hindi na magkaroon pa ng iba pang klaseng problema na hindi naman natin inasahan kahit kailan (bagama’t ang ganito’y nangyayari paminsan-minsan). Magkaganunpaman, ang ilang mga lisensya ng free software ay nakabatay sa o nasa ilalim ng mga kontrata, at ang mga kontrata ay pwedeng magpagawa ng higit na mas maraming posibleng restriksyon. Nangangahulugan iyon na maraming posibleng paraan para ang naturang lisensya ay maging hindi katanggap-tanggap na may restriksyon at hindi libre
Hindi namin kakayaning mailista ang lahat ng mga posibleng restriksyon sa kontrata na magiging hindi katanggap-tanggap. Kung ang isang lisensyang nakabatay sa o nasa ilalim ng isang kontrata ay pumipigil sa isang user o gumagamit sa isang kakaibang paraang hindi naman nagagawa sa ilalim ng mga lisensyang nakabatay sa o nasa ilalim ng kontrata, at hindi naman binanggit dito na lehitimo, kailangang pag-isipan namin ito, at sa palagay namin ay pagpapasiyahan namin na ito ay hindi-libre.
Kung pinag-uusapan ang tungkol sa free software, pinakamabuti na ang iwasang gamitin ang mga katagang kagaya ng ``give away'' o ``for free'', (ipinamimigay lamang o libre), sapagkat ang mga katagang ito ay nagpapahiwatig na ang isyu ay tungkol sa presyo, at hindi tungkol sa kalayaan. Nakapaloob sa ilang mga karaniwan nang salita kagaya ng ``piracy'' (pamimirata) ang mga opinyong sana’y hindi na ninyo i-endorsa pa. Tingnan ang Mga Nakakalitong Salita at Pahayag na Dapat Iwasan para matalakay ang mga katagang ito. Mayroon din kaming listahan ng mga pagsasaling-wika ng "free software" sa iba’t ibang wika.
Ang pinakahuli sa lahat, tandaan na ang kriterya na gaya nang mga binanggit sa kahulugang ito ng free software ay nangangailangan ng maingat na pagsusuri o pag-iisip para sa kanilang interpretasyon. Para madesisyunan kung ang isang tukoy na lisensya ng software ay kwalipikadong tawaging free software license o libreng lisensya ng software, husgahan natin ito ayon sa kriterya para malaman kung umangkop ba ito sa talagang sinasabi pati na sa pinakawastong mga salita. Kung kasama sa isang lisensya ang mga restriksyong walang gabay ng konsensya, tanggihan natin ito, kahit pa hindi natin inasahan ang ganitong isyu sa mga kriteryang ito. Kung minsan, ang hinihingi sa lisensya ay nagiging sanhi ng isang isyu na mangangailangan ng malalim o malawak na pag-iisip o pagsusuri, kabilang na ang talakayin ito sa isang abugado, bago natin madesisyunan kung ang hinihingi ba ay katanggap-tanggap. Kung mayroon na tayong konklusyon tungkol sa isang bagong isyu, malimit nating binabago ang mga kriteryang ito para madali nating makita kung bakit ang ilang mga lisensya ay kwalipikado o hindi kwalipikado.
Kung interesado kayo kung ang isang tukoy na lisensya ay kwalipikadong tawaging lisensya ng isang free software o free software license, tingnan ang aming listahan ng mga lisensya.Kung ang lisensyang inaalala mo ay hindi nakalista rito, maaari kang magtanong ng tungkol dito sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng email sa <licensing@gnu.org>.
Kung iniisip mong sumulat ng isang bagong lisensya, mangyari lamang na kontakin ang FSF sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa kanilang pahatirang-sulat. Ang proliperasyon o pagkalat ng iba’t ibang libreng software ay nangangahulugan ng karagdagang trabaho para sa mga user o gumagamit na intindihin ang mga lisensyang ito, at maaari namin kayong matukungan na makakita ng naririto nang Free Software License o lisensya ng free software, na makatutupad sa iyong mga pangangailangan.
Kung imposible iyon, at kung talagang kailangan mo ang isang bagong lisensya, matitiyak mo sa pamamagitan ng aming tulong na ang lisensya ay talagang lisensya ng Free Software at maiiwasan ang iba’t’ ibang mga praktikal na problema.
Isa pang grupo ang nagsimula nang gumamit ng katagang "open source" na ang ibig sabihin ay kamukha (pero hindi kaparehong-kapareho) ng "free software". Pinipili namin ang katagang "free software" sapagkat, kung ito ang maririnig mo, ang tinutukoy nito ay kalayaan sa halip na presyo, ang pumapasok sa isip ay kalayan. Kahit kailan, hindi ito maiisip sa katagang "open".
Mga pagsasaling-wika ng pahinang ito:
[ العربية |
Català
| 简体中文
| 繁體中文
| Česky
| Dansk
| Deutsch
| English
| Español
| Esperanto
| فارسی
| Français
| Galego
| עברית
| Hrvatski
| Bahasa Indonesia
| Italiano
| 日本語
| 한국어
| Magyar
| Nederlands
| Norsk
| Polski
| Português
| Română
| Русский
| Slovinsko
| Српски
| Tagalog
| Türkçe
]
Bumalik sa GNU Project home page.
Mangyari lamang na ipadala ang mga katanungan tungkol sa FSF at GNU sa
gnu@gnu.org.
Mayroon ding iba pang mga pamamaraan para makontak
ang FSF.
Mangyari lamang na ipadala ang mga sira o broken link at iba pang mga pagtatama o koreksyon (o mga mungkahi) sa
webmasters@gnu.org.
Mangyari lamang na tingnan ang mga README na Pagsasaling-wika para sa impormasyon kung paano makakipag-ugnayan at magsusumite ng mga pagsasaling-wika ng artikulong ito.
Karapatang-ari (C) 1996, 1997, 1998, 1999, 2000, 2001, 2002, 2003, 2004 Free
Software Foundation, Inc., 59 Temple Place - Suite 330, Boston, MA
02111, USA
Ang verbatim na pagkopya at pamamahagi ng buong artikulong
ito ay pinahihintulutan sa anumang paraan ng walang royalti basta’t ang pabatid
na ito ay preserbado.
Updated: $Date: 2006/05/20 09:44:27 $ $Author: hicham $