Mga pagsasaling-wika ng pahinang ito

Ang Linux at ang Proyektong GNU

ni Richard Stallman

 [image of a Baby GNU]

Maraming gumagamit (users) ng kompyuter ang nagpapatakbo ng isang minodipikang bersyon ng the GNU system (18k characters) araw-araw, nang hindi nila nalalaman. Dahil sa isang pekulyar o ‘di pangkaraniwan pagtakbo ng mga pangyayari, ang bersyon na GNU na malawakan nang ginagamit sa ngayon ay mas kilala na “Linux”, at maraming gumagamit ang hindi nakakaalam ng laki nang koneksyon nito sa Proyektong GNU.

Totoong mayroong Linux, at ginagamit ito ng mga taong ito, pero hindi ito ang operating system. Ang Linux ang kernel: ang programa na nasa sistema na namamahagi (alokasyon) ng mga resources ng makina sa iba pang programang pinapatakbo ninyo. Ang kernel ay isang mahalagang bahagi ng operating system, pero walang silbi kung nag-iisa; gagana lamang ito kung mapapaloob sa isang kumpletong operating system. Ang Linux ay karaniwang ginagamit na kasama nang GNU operating system: ang buong sistema ay talagang GNU, na may Linux na siyang gumagana bilang kernel nito.

Maraming gumagamit ang hindi lubos na nakakaalam ng kaibhan ng kernel, at ito ay ang Linux, at ang buong sistema, na tinatawag ring “Linux”. Ang hindi malinaw na paggamit ng pangalan ay hindi nagpapakilala nang pagkaintindi. Malimit ay naiisip ng mga gumagamit o user nito na si Linus Torvalds ang nagdebelop ng buong opeting system noong 1991, na may kaunting tulong.

Sa pangkalahatan ay nalalaman ng mga programmer na ang Linux ay isang kernel. Subalit dahil sa pangkalahatan ay naririnig nila na ang buong sistema ay tinatawag na ring “Linux'”, malimit ay lumilikha sila sa kanilang isipan nang isang kuwento para mabigyang katarungan ang pagtawag sa buong sistema na kernel. Halimbawa, marami ang naniniwala na pagkatapos na pagkatapos maisulat ni Linus Torvalds ang Linux ang kernel, ang mga gumagamit nito ay naghanap sa paligid nang iba pang mga software na maiisama rito; at nakita (nang walang partikular na dahilan) na mayroon na halos lahat nang kailangan para gumawa ng isang Unix-like o kapareho ng Unix na sistema.

Ang nakita nila ay hindi isang aksidente—iyon ang sistemang GNU. Ang naririyan nang free software ay idinagdag para makumpleto ang sistema sapagkat ang Proyektong GNU ay matagal nang gumagawa, noon pang 1984, para makabuo ng ganito. Ang GNU Manifesto (31k characters)ay nagtakda ng isang layunin na makapagdebelop ng isang libreng Unix-like system o sistemang parang Unix, na ang tawag ay GNU. Sa Unang Pag-aanunsiyo ng Proyektong GNU, binalangkas rin ang ilan sa mga orihinal na plano para sa sistemang GNU. Nang maisulat na ang Linux, halos tapos na ang sistema.

Karamihan sa mga proyektong free software ay may layuning makapagdebelop ng isang partikular na programa para sa isang partikular na trabaho. Halimbawa, si Linus Torvalds ay sumulat ng isang Unix-like kernel (Linux); Si Donald Knuth ay sumulat ng isang text formatter (TeX); si Bob Scheifler ay nagdebelop ng isang window system (ang X Window system). Tama lamang na sukatin ang kontribusyon ng ganitong uri ng proyekto ng mga tukoy na programa na nagmula sa isang proyekto.

Kung susubukan nating sukatin ang kontribusyon ng Proyektong GNU sa ganitong paraan, ano ang ating magiging pasiya o konklusyon? Napag-alaman ng isang magtitinda ng CD-ROM na ang “distribusyon ng kanilang Linux”, ang, GNU software ang nag-iisang pinakamalaking pinagbabatayan o salalayan, humigit-kumulang 28% ng buong source code, at kabilang rito ang ilan sa mga mahahalagang pangunahing komponente na kung mawawala ay wala ring sistema. Sa Linux mismo ay humigit-kumulang na 3%. Kaya’t kung kukuha kayo ng isang pangalan para sa sistema batay sa kung sino ang sumulat ng mga programa sa sistema, ang pinaka-angkop at nag-iisang dapat na piliin ay “GNU”.

Pero sa palagay namin ay hindi ito ang tamang paraan ng pagsasaalang-alang ng katanungan. Ang proyektong GNU noon, ngayon, ay hindi isang proyekto para makapagdebelop ng tukoy na software packages. Hindi ito isang proyekto para makapagdebelop ng isang C compiler, bagama’t ginawa namin ito. Hindi ito isang proyekto para makapagdebelop ng isang text editor, bagama’t nagdebelop kami ng isa. Ang layunin ng proyektong GNU ay ang makapagdebelop ng isang kumpleto at libreng sistemang parang Unix o Unix-like system: ang GNU.

Maraming tao ang nakapagbigay na ng mga mahahalagang kontribusyon sa libreng software na nasa sistema, at lahat sila ay dapat na kilalanin. Subalit ang dahilan kaya ito ay naging isang pinag-isang sistema o isang integrated system—at hindi isang koleksyon lamang ng mga kapaki-pakinabang na programa –ay sapagkat ang Proyektong GNU ay kumilos para gawin itong ganito. Gumawa kami ng listahan ng mga programa upang makagawa ng isang libreng sistema, at sa pamamagitan ng isang sistematikong pamamaraan ay nakakita kami, sumulat, o naghanap ng mga tao na siyang magsusulat ng lahat sa listahan. Sumulat kami ng mga mahahalaga bagamat’t hindi naman nakapagpapasiglang (1) komponente sapagkat hindi ka naman magkakaroon ng sistema kung wala ang mga ito. Ang ilan sa mga komponente ng aming sistema, ang mga programming tools, ay nakilala o naging popular sa mga programmers, ngunit sumulat kami ng mga komponente na hindi tools (2). Nagdebelop rin kami ng larong chess, ang GNU Chess, sapagkat kailangan rin ng isang sistema ang magagandang laro.

Sa mga unang taon ng 1990 ay nabuo namin ang buong sistema bukod pa sa kernel (at gumagawa rin kami ng kernel, ang GNU Hurd, na tumatakbo o gumaganang kasabay ng Mach. Ang pagdedebelop ng kernel na ito ay naging mas mahirap pa kaysa sa aming inaasahan; at ang GNU Hurd ay nagsimulang gumana nang maayos o yung mapagkakatiwalaan na noong 2001. Nagsisimula na kami ngayong maghanda para sa preparasyon ng aktwal na release o paglalabas ng sistemang GNU, na kasama na ang GNU Hurd.

Mabuti na lamang, hindi mo na kailangan pang hintayin ang Hurd, sapagkat mayroon nang Linux. Nang isulat ni Linus Torvalds ang Linux, pinunan niya ang pinakahuling pangunahing puwang. Maisasama na ngayon ng mga tao ang Linux sa sistemang GNU upang makagawa ng isang kumpletong libreng sistema; isang bersyon ng sistemang GNU na Linux-based; ang sistemang GNU/Linux, sa madaling salita. Sa pinakanaunang paglabas o release ng Linux ay kinilala o tinukoy na ang Linux ay isang kernel, na ginagamit na kasama ang mga bahagi ng GNU: "Karamihan sa mga tools na ginamit kasama ang linux ay mga software ng GNU at nakapailalim sa GNU na laban sa “copyright” o karapatang-ari. Ang mga tools na ito ay hindi kasama sa mga ipinamamahagi – tanungin ninyo ako (o ang GNU) para sa karagdagang impormasyon."

Parang simpleng pakinggan ang pagsama-samahin ang mga ito, pero hindi ito isang maliit lamang na trabaho. Ang ilan sa mga komponente ng GNU (3) ay nangailangan ng malaking pagbabago para gumanang kasabay ng Linux. Ang pagsasama-sama ng isang kumpletong sistema na gagana kaagad o handa nang gamitin pagkakuhang-pagkakuha, ay isang malaking trabaho rin. Kinailangan ditong harapin ang isyu o usapin kung paano ang instalasyon (install) at pag-boot (boot) ng sistema—isang suliraning hindi pa namin hinaharap, sapagkat hindi pa naman kami dumarating sa ganoong punto. Ang mga tao na nagdebelop ng iba’t ibang sistema ng distribusyon ay nakapagbigay ng malalaking kontribusyon.

Sinusuportahan ng proyektong GNU ang sistemang GNU/Linux pati na rin ang sistemang GNU—pati na ang pondo. Pinopondohan namin ang muling pagsusulat ng mga ekstensyong may kaugnayan sa Linux papunta sa library (aklatan) ng GNU C, upang ang mga ito ay maayos na mapagsama, at ang pinakabagong mga sistemang GNU/Linux ay gumagamit ng kasalukuyang library ng walang mga pagbabago. Pinondohan rin namin ang mga naunang bahagi ng pagdedebelop ng Debian GNU/Linux

Sa kasalukuyan ay gumagamit kami ng sistemang Linux-based sa karamihan ng aming mga trabaho, at umaasa kaming gagamitin rin ninyo ang mga ito. Ngunit kung maaari lamang ay huwag lituhin ang publiko sa paggamit ng pangalang “Linux” sa paraang hindi malinaw. Ang Linux ay ang kernel, isa sa mga mahahalagang pangunahing komponente ng sistema. Ang sistema sa kabuuan ay ang sistemang GNU, na idinagdag ang Linux. Kung ang pinag-uusapan ninyo ay ang kumbinasyong ito, mangyari lamang na pangalanan ito o tawaging “GNU/Linux”.

Kung gusto ninyong gumawa ng link papuntang "GNU/Linux'' para sa karagdagang pagsangguni, ang pahinang ito at ang http://www.gnu.org/gnu/the-gnu-project.html ay magagagandang gamiting URL. Kung babanggitin ninyo ang Linux, ang kernel, at gustong magdagdag ng link para maging karagdagan pang sanggunian, ang http://foldoc.doc.ic.ac.uk/foldoc/foldoc.cgi?Linux ay magandang gamiting URL.

Addendum: Bukod pa sa GNU, may isa pang proyektong kahit nagsosolo ay nakapagprodyus o nakagawa ng isang libreng parang Unix o Unix-like na operating system. Ang sistemang ito ay kinilalang BSD, at nadebelop ito sa UC Berkeley. Hindi ito libre noong mga taon ng 1980, pero naging libre na noong mga unang taon ng 1990. Ang isang libreng operating system sa kasalukuyan ay halos tiyak na alinman sa mula sa o variant ng sistemang GNU o isang uri ng sistemang BSD.

Kung minsan, ang mga tao ay nagtatanong kung ang BSD ba ay bersyon pa rin ng GNU, katulad ng GNU/Linux. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga negdebelop ng BSD na gumawa ng kanilang libreng software na walang code o code free software dahil sa ehemplong ipinakita ng Proyektong GNU, at ang mga bulgarang pakiusap ng mga aktibista ng GNU ay nakatulong upang sila ay mapilit, ngunit kaunti lamang ang overlap ng code sa GNU. Ang mga sistemang BSD sa ngayon ay gumagamit ng ilan sa mga programa ng GNU, katulad rin ng paggamit ng sistemang GNU at mga nagmula o variant nito sa mga programang BSD; magkaganunpaman, kung titingnan o ituturing na buo, ang mga ito ay magkakaibang sistemang magkahiwalay na nabuo o lumabas. Ang mga nagdebelop ng BSD ay hindi sumulat ng kernel at nagdagdag nito sa sistemang GNU, at ang katawagan o pangalang gaya ng GNU/BSD ay hindi angkop sa sitwasyon.

[Kung gusto mong malaman pa ang ibang mga bagay tungkol sa isyu o usaping ito, maaari mo ring basahin ang aming GNU/Linux FAQ o mga bagay na malimit itanong.]

Tandaan:

  1. Kabilang sa mga hindi nakakapagpasigla bagama’t mahahalagangmahahalagang komponente ang GNU assembler, GAS at ang linker, GLD, na ngayon ay pareho nang bahagi ng GNU Binutils package, GNU tar, at iba pa.
  2. Halimbawa, Ang The Bourne Again SHell (BASH), ang PostScript interpreter Ghostscript, at ang GNU C library ay hindi programming tools. Lalong hindi ang GNUCash, GNOME, at GNU Chess.
  3. Halimbawa, ang aklatan GNU C.

Translations of this page:
[ Català | 简体中文 | 繁體中文 | Česky | Deutsch | English | Español | فارسی | Français | עברית | Italiano | 日本語 | 한국어 | Polski | Português | Română | Русский | Srpsko-Hrvatski | Slovensko | Српски | Tagalog ]